2 sasakyan, nagsalpukan sa North Cotabato; mga drivers at pasahero, lubhang nasugatan

NORTH COTABATO – Nagsalpukan ang dalawang sasakyan sa Sitio Balawan, Malasila, Makilala North Cotabato kaninang alas-6 ng umaga na ikinasugat ng mga sakay nito.

Salaysay ni Renato Corre, DepEd official na residente ng nasabing lugar at nakasaksi sa pangyayari, binabaybay anya ng Navara pick up ang direksyon ng Davao City samantalang papunta naman ang Pick up Ranger sa direksyon ng Cotabato City.

Pagdating sa palikong bahagi ng National Highway, biglang nag-overtake ang Pick up Ranger ngunit naalanganin ito dahilan upang sumalpok sa kasalubong nitong sasakyan.

Base sa imbestigasyon, kinilala ang driver ng Navara pick up na si Roy Kian, 51 anyos, at ang mga sakay nitong sina Marites at anak nitong si Juliana.

Dahil sa lakas ng impact, nawasak ang harapang bahagi ng mga sasakyan.

Lubhang nasugatan ang mga drivers gayun din ang mga pasahero dahilan upang dalhin sa pinakamalapit na ospital.

Sa kasalukuyan nasa kustodiya na ng Makilala PNP traffic section ang nga sasakyang sangkot sa vehicular crash para sa tamang disposisyon. BNFM Kidapawan/Madonna Dizon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *