2 shooting incident sa Koronadal ngayong araw, ini-imbestigahan na!

KORONADAL CITY-TINITINGNAN na ngayon ng Koronadal City PNP ang mga cctv footages sa buong lungsod hingil sa dalawang insidente ng pamamaril kaninang umaga, na kapwa biktima ng mga riding-in-tandem suspek.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Police Lt. Reynaldo Sotelo, chief investigator ng Koronadal City PNP, hindi pa umano nila matukoy kung konektado ang dalawang kaso ng pamamaril ng dalawang biktima. Dagdag pa ni Sotelo na mga drug surenderees ang mga biktima kung saan isa ito sa kanilang motibo na tinitingan maliban sa dito, tinutukan rin nila ngayon ang motibo na personal grudge sa mga biktima.

Sa ngayon may tinutukan na umanong sila grupo na amanoy nasa likod ng mga pamamaril sa lungsod ngunit hindi umano ito tukoy kung organisado.

Una rito binaril patay bandang alas-6:00 ng umaga kanina sa Purok Everlasting, Barangay Avanceña , Koronadal City si Samuel Guanzon, nasa legal na edad, tricycle driver at residente ng nasabing lugar na sinundan naman ng isa pang shooting incident sa GenSan Drive, Purok Bagong Samahan, Barangay Zone I, na kinilala ang biktima na si Joel Agustin, 53, tricycle driver at residente ng Purok Sentro 2, Barangay Morales nitong lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published.