2 sitio sa SoCot isinailalim sa State of Calamity dahil sa cholera!

KORONADAL CITY- ISINAILALIM sa state of calamity ang dalawang sitio sa Barangay Colongulo, Surallah, South Cotabato dahil sa cholera outbreak.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Barangay Kagawad Roger Maguad, chairman ng Committee on Health ng nasabing barangay, na kinabibilangan ito ng Sitio Villa Ellaga at Sitio Basag.
Ideneklara umano ang State of Calamity sa nasabing mga sitio matapos umabot na sa 60 mga pamilya ang apektado ng sakit.

Nakumperma ang cholera sa nasabing lugar matapos ang ginawang water sampling at rectal swab ng Municipal Health Office o MHO-Surallah sa mga nakaranas ng sintomas ng nasabing sakit.

Sa resulta ng water sampling dalawa mula sa tatlo mga pinagkukunan ng tubig ng mga residente ang nakitaan ng bacteria na dahilan ng sakit na Cholera.

Maliban rito, nakitaan rin ng bacteria ang mga kuhol na kinain ng mga residente na tinuturong isa rin umano sa dahilan ng sakit na cholera.

Matatandaan na isang bata na ang namatay dahil sa nasabing sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published.