2 steel plant sa San Simon, nakitaan ng paglabag sa clean air act

Dumalo sa ipinatawag na technical conference ng Environmental Management Bureau o EMB region 3 ang dalawang steel corporation sa bayan ng San Simon, bilang bahagi ng imbestigasyon ng ahensya may kaugnayan sa paglabag umano nila sa Clean air act.

Partikular ang Wan Chiong Steel Corporation at Melters Steel Corporation.

Napagkasunduan sa naturang pag dinig na kailangang mag submit ng mga nabanggit na kompanya ng compliance action plan sa loob ng 2 linggo, kung papaano maiiwasan ang paglalabas ng makapal at maitim na usok sa kanilang planta.

Kinakailangan din nilang mag submit ng emission test na gagawin kada linggo sa loob ng 3 linggo pagkatapos nilang maisaayos ang kanilang Air Pollution Control Device o APCD, kailangan din na may kopya nito ang LGU.

Sa oras naman na magkaroon ng breakdown ang kanilang APCD, kinakailangan na tumigil sa operasyon ang mga naturang smelting plant, at mag submit ng report sa EMB.

Ni-require din ang mga ito na maglagay ng CCTV at emission monitoring system.

Samantala ang Wan Chiong Steel Corporation naman ay inatasan din na mag apply ng amendment sa kanilang Environmental Compliance Certificate o ECC dahil sa pagtaas ng kanilang production.

Matatandaang inirereklamo ng mga residente sa bayan ng San Simon ang makapal na usok na ibinubuga ng mga smelting plants sa kanilang bayan, gayundin ang masamang maidudulot nito sa kanilang kapaligiran at kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *