2 storage facility para sa Covid-19 vaccine sa Koronadal, gagamitin na

KORONADAL CITY – IINSPEKSYUNIN na ngayong linggo ng Department of Health (DOH) 12 upang magamit na ang dalawang storage facility na natanggap ng city government ng Koronadal.

Ito ang kinumpirma ni City Health Physician Dr. Stephen Mortera. Napag-alamang noong Biyernes ay dumating na ang dalawang freezers na pag-iimbakan ng mga bakuna.

Ito ay kinabibilangan ng Ultra-Low Temperature at Laboratory Bio Ref na may kabuuang halaga na mahigit 1.9M pesos at may libre pang Automatic Voltage Regulator (AVR) at generator set.

Ang Ultra Low Freezer ang para sa bakunang Pfizer na may kakayahang mag-imbak ng 37,000 vials na katumbas ng 189,000 doses.

Ang Laboratory Bio Ref naman ang para sa AstraZeneca, Sinovac, Janssen (J&J) at iba pang bakuna na may kapasidad na mag-imbak ng 10,000 hanggang 12,000 vials.

Dahil dito ay Inaasan na mapabilis na ang pamamakuna nga mga taga-Koronadal sa darating na mga araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *