2 subproject ng DA Cagayan Valley, aprobado na ng RPAB

Aprobado na ng Regional Project Advisory board ang dalawang subproject para sa Nagkaisang Magsasaka ng Isabela Agriculture Cooperative Warehouse

. Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ang nasabing proyekto ay ang pagpapatayo ng NMI Agri Coop warehouse sa Cauayan City at San Isidro warehouse na may solar dryer.

Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng mahigit 38 milyon kung saan nasa 11,310 na magsasaka ng palay at mais ang makikinabang.

Mabibigyan nito ng serbisyo ang 9, 795 ektarya ng sakahan at 4 metric ton bawat miyembro tuwing panahon ng pag-aani.

Habang ang San Isidro warehouse with solar dryer ay maseserbisyuhan naman ang nasa 13 na barangay ng munisipalidad.

Ayon kay Rizalina Valencia ang Provincial Rural and Development head ng Isabela, ang naturang mga subprojects ay nakasailalim sa I-build o Intensified Building up of Infrastructure ang logistics dev’t.

Samantala, ieendorso naman ang aprobadong proyekto sa North Luzon Project Support Office para sa pagsusuri bago isangguni sa National Project coordination office para sa issuance ng No Objection Letter o NOL 1.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *