2 sugatan at isang bahay ang nasira sa aksidente sa bayan ng Paracale, Camarines Norte

CAMARINES NORTE- 2 ang sugatan at isang bahay ang nasira sa naganap na aksidente sa Purok 1, Barangay Malacbang, Paracale, Camarines Norte nito lamang Mayo 23, 2023 sa ganap na alas 5:30 ng hapon.

Ang mga sangkot ay kinilalang sina alias RUDY, 43 anyos, at residente ng Barangay Calaburnay, Paracale, Camarines Norte, na driver ng Silver Metallic Fortuner.Alias MAY, 13 anyos; at si alyas ISKO, sesenta y uno anyos may-ari ng bahay at residente rin ng nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, habang minamaneho ni RUDY ang kanyang sasakyan patungo sa bayan ng Labo at pagdating sa nabanggit na lugar ay nag-overtake ito sa isa pang sasakyan at aksidenteng nabangga si MAY. Dahil dito, nawalan ng kontrol ang sasakyang minamaneho ni RUDY na nagresulta sa pagsalpok at pagkasira sa bahay ni ISKO.

Nagtamo ng sugat sa katawan sina RUDY at MAY na agad namang dinala sa ospital ng mga rumespondeng tauhan ng MDRRMO para magamot.

Sa kasalukuyan ay nagpapagaling pa sina RUDY at MAY sa pagamutan.

Samantala, nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang Paracale MPS hinggil sa nasabing insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *