Nasugatan ang dalawang drayber ng motorsiklo matapos nilang magbanggaan maghahating-gabi nitong nakalipas na Sabado sa Lapu-Lapu Street, Barangay Poblacion, Narra, Palawan.
Ang mga biktima ay sina Mark Jeo Merilo Gopiteo, 24 anyos ng of Barangay Princess Urduja, Narra nagmaneho ng Kawasaki Badja 150 at si Endino Manga Acla, 25 anyos ng Barangay Taretein, Narra na nagmaneho ng Honda Wave 110 motorcycle.
Sa ulat ng Palawan PPO, si mark ay binabaybay ang Lapu- Lapu Brgy. Poblacion at nang makarating ito sa Saging Street, bigla umanong pumasok sa kalsada ang motorsiklo ni Endino na hindi umano nag-signal para maiwasan ang aksidente.
Dahil sa banggaan parehong nagtamo ng mga sugat ang mga biktima kaya patuloy ang paalala ng pulisya na maging responsible sa pagmamaneho.