2 suspek na nanghold-up at nandukot sa 2 guests sa isang motel sa Laguna, arestado na

Bumagsak na sa kamay ng Laguna Police Provincial Office ang dalawang lalaking nagpanggap bilang pulis na nanghold-up at nandukot ng dalawang guests sa isang motel sa Brgy. Antonio, Binan City.

Kinilala ni Police Colonel Harold Depositar ang mga suspek na sina alias “Balong” at alias “Juan” na parehong residente ng Binan City, Laguna.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, nagpakilala ang mga suspek bilang mga pulis at pinasok ang kwarto kung saan naroroon ang dalawang biktima.

Agad naman ding dinampot at ipinasok ang mga ito sa sasakyan at ninakawan ng mga alahas, electronic devices at perang nagkakahalaga sa sampung libo piso.

Sa kasalukuyan, patuloy pa ring nagsasagawa ang pulisya ng follow-up operations upang mahuli ang apat pang suspek na kasabwat sa krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *