2 suspek sa Robbery Extortion huli sa ikinasang entrapment operation

CAMARNES NORTE- Natimbog ng mga otoridad ang maglive – in partner sa ikinasang entrapment operation para sa robbery extortion dakong 2:20 ng hapon nitong Hunyo 23, 2021 sa P-4 Barangay Bagong Silang II, Labo, Camarines Norte.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Isidro Delos Reyes y Abeya, 58 anyos at Erlinda Bueno y De Mesa, 57 anyos parehong residente P-6 Barangay Dalas, Labo, Camarines Norte

Sa report ng Labo MPS, Batay sa impormasyong ibinigay ng mga biktima na kinalalang sina Benjamin Ecat y Casinos, at Genelyn Ecat y Sureta, 31 anyos parehong residente ng P-4 Barangay Bagong Silang II, Labo, Camarines Norte, sila ay pinangakuan nina Isidro at Erlinda ng tulong upang makalabas sa kulungan ang kanilang kaanak na may kasong Murder at kahit hindi na sila dumalo sa pagdinig sa korte, kapalit ng pagbibigay ng halagang isang daan at limampung libong piso (₱ 150,000.00).

Ang mag-amang Ecat ay napaniwala ng mga suspek kung kaya’t sila ay nakapagbigay ng halagang umaabot sa tatlumpung libong piso(₱ 30,000.00) sa magkakahiwalay na petsa (Hunyo 19, 20, at 21, 2021).

Dito na gumawa ng agarang aksyon ang mga operatiba ng Labo MPS upang matulungan ang mga biktima.

Ang mga pulis ay nagphotocopy at nagpanotaryo ng apatnaput siyam (49) na piraso ng isang libong pisong(₱1,000.00) para magamit na marked money sa entrapment operation.

Nang ma-i-abot na ng mga biktima ang marked money sa isa sa mga suspek na si Erlinda na kalaunan ay inabot  din nito ang pera sa isa pang suspek na si Isidro, ito ang naging hudyat sa mga operatiba ng Labo MPS upang arestuhin  ang mga suspek.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda ang mga dokumento para sa pagsampa ng kaso laban sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *