2 umano’y tulak, arestado sa Nasugbu, Batangas

Arestado ng mga awtoridad ang dalawang tulak umano ng iligal na droga sa ikinasang buy bust operation sa sa Zalvadea Street, Barangay 6, Nasugbu, Batangas.

Kinilala ng Nasugbu Municipal Police Station ang mga suspek na sina Crisanto Sumanguid y Roma, 38 anyos, at Jeffrey Tenorio y Magallanes, 26 anyos, drilling service operator na pawang mga residente ng Barangay Putat sa naturang bayan.

Ayon sa imbestigasyon, sa ikinasang operasyon noong Nobyembre 9, Miyerkules ng gabi, ay nasamsam mula sa mga suspek ang dalawang pakete ng pinaniniwalaang shabu at isang kalibre .38 na baril na walang serial number at mga bala nito.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”at Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ”.

Magsisilbing ebidensya naman ang mga narekober na droga at baril mula sa mga ito.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Nasugbu MPS ang mga suspek at sasailalim sa drug testing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *