2 water level instruments at 1 automated weather station na ipinapatayo ng MARIIS DRD, inaasahang matatapos sa susunod na buwan

Inaasahang matatapos na sa susunod na buwan ang dalawang rain gauge at water level instrument sa upstream ng Magat reservoir at isang automated weather station na ipinapatayo ng MARIIS Dam and Reservoir Division sa mga tulay ng ilog na konektado sa dam.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigagada News FM Cauayan, ipinapatayo ang karagadagang rain gauge at water level instrument sa Batu-Ferry bridge Bambang Nueva Vizcaya at Taotao bridge sa Alfonso Lista Ifugao.

Ito umano ay makatutulong sa pagsukat ng inflow sa Magat reservoir o lebel ng tubig sa mga ilog na dumadaloy papuntang magat reservoir.

Nagpapatayo rin ang MARIIS DRD ng parehong instrument sa downstream ng magat dam upang masukat ang lebel ng ilog tuwing magpapakawala ng tubig ang dam.

Habang kasalukuyan din umanong ipinapatayo sa Magat Park Ramon, Isabela ang 1 automated weather station kung saan magagamit ang data nito sa tuwing may darating na bagyo.

Ang nasabing mga instrument ay magbibigay ng data sa server ng MARIIS DRD na itinatala ng mga empleyado ng flood forecasting and instrumentation section upang magamit sa forecast at kalkuladong operasyon ng tanggapan.

Sa kasalukuyan ay nasa 10 na ang naipatayong combined rain gauges at water level instrument ng MARIIS DRD.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *