2-week ECQ sa NCR, sana huling lockdown na – Palasyo

Umaasa ang Malacañang na ang nalalapit na two-week reimposition ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila ay magiging huling lockdown na, lalo’t tumataas na ang bilang ng vaccinations laban sa COVID-19.

Una nang binigyang diin ni presidential spokesperson Harry Roque na ang desisyon ng national government na muling magpatupad ng hard lockdown sa National Capital Region ay dahil sa foresight, at suportado ng seyensa.

Mababatid na sa ikaapat na pagkakataon na muling sasailalim ang Metro Manila sa strictest quarantine classification upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19 Delta variant na posibleng magdulot ng mas mataas na kaso.

Sa August 6 hanggang 20 ang sunod na pagkakataon para sa muling pagpapatupad ng ECQ sa rehiyon. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *