20 families na naapektuhan ng bagyong Kiko sa Calayan, Cagayan; natanggap na ang 5000 cash assistance


Natanggap na ang kanilang 5,000 pesos cash assistance ng nasa 20 na pamilya sa Calayan, Cagayan mula sa 251 na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kiko.


Ito ay sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in crisis situations (AICS) ng DSWD Region 2.


Batay sa datos na inilabas ng DSWD RFO2, ang nasabing 20 na pamilya ay kasalukuyang naninirahan pa rin sa evacuation center ng Calayan.


Kauboang 100,000 pesos ang naipamahagi ng ahensya sa nasabing mga pamilya matapos ang isinagawang balidasyon ng mga social workers sa lugar.

Samantala, ang natitirang 231 na benepisaryo ay nakatakdang matanggap ang kanilang cash assistance ngayong linggo sa ilalim ng Climate Change Adaptation and Mitigation (CCAM) Program at Social Pension Program pay-outs.


Katuwang ng DSWD RFO2 sa naturang aktibidad ang Office of the Civil Defense Region 2, Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at LGU-Calayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *