20 farm group sa Central Luzon nag-withdraw ng suporta sa makakaliwang grupo

Boluntaryo umanong nag-withdraw ang dalawampung myembro ng Liga ng Manggagawang Bukid ng kanilang suporta sa CPP-NPA habang dalawa namang dating myembro ng Communist Terrorist Group ang sumuko sa mga otoridad sa Central Luzon.

Sa ulat Police Regional Office 3, nitong April 17 ay isinagawa ang withdrawal of support ng mga ito at peace rally sa kanilang komunidad sa Nueva Ecija.

Kaugnay nito, may nadiskubre ring armas at pampasabog ang mga otoridad sa tulong na rin ng impormasyon mula sa isang dating CTG member.

Samantala, hinikayat naman ni PRO3 Dir. PBGEn. Jose Hidalgo Jr., ang iba pang myembro ng komunistang grupo na magbalik loob na sa grupo.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: PRO3

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *