20 karagdagang kaso ng diarrhea, naitala sa Rapu-rapu, Albay

LEGZPI CITY โ€“ Kinumpirma ng Albay Provincial Health Office (PHO) na nagkaroon ng karagdagang 20 bagong kaso ng diarrhea sa Brgy. Manila, bayan ng Rapu-rapu.

Sa pinakahuling ulat mula sa tanggapan sa pamamagitan ng Provincial Epidemiological and Surveillance Unit (PESU), nakasaad na umabot na ito sa 45 kaso.

Alarming na umano ang bilang na ito laloโ€™t naitala rin ang dalawang kaso ng pagkasawi dahil sa nasabing sakit.

Bukod dito, itinuturing din ng PHO na ang mga biktima ay infected ng cholera.

Sa ulat ng PESU, lumalabas sa resulta ng microbiological examination na hindi ligtas ang isang balon sa lugar na siyang kinukunan nila ng inuming tubig sapagkat marumi ang water source nito batay din sa isinagawang water sampling kamakailan.

Samantala, sa datos ng mga ito, 26 na mga pasyente na ang mga naka-recover habang 17 naman ang kasalukuyan pang nagpapagaling, kung saan 15 rito ang nakatanggap na ng medical treatment mual sa ospital at ang 30 naman ay out-patient na kumonsulta lamang sa RHU staffs ng nasabing bayan.

Maliban dito, 11 sa mga biktima ay isinailalim na sa rectyal swabbing kung saan 1 ang in-isolate dahil positibo sa pathogen.

Dahil sa dumaraming kaso nito, itinuturing na ng PHO ang cholera bilang isa sa pinakanagiging dahilan ng pagkamatay, kasama ang iba pang sakit tulad ng pneumonia, pulmonary tuberculosis, acute gastroenteritis at severe dehydration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *