20 na barangay sa Cauayan City, idineklara nang drug cleared

Idineklara na ng PDEA at Cauayan City Police Station ang 20 na barangay sa lunsod bilang Drug cleared barangay habang 19 naman ang drug free.

Ito ang kinumpirma ni PLt. Scarlette Topinio, ang tagapagsalita ng PNP Cauayan sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, sa 65 na barangay sa lunsod ay 20 pa lamang rito ang drug cleared na kinabibilangan ng Bugalion, Carabatan punta, Dianao, Culalabat, San Pablo, Sta Maria, San Antonio, Pinoma, Naganacan, Alinam, Mabantad, Marabulig 1, Amobocan, Guyabal, Nungnungan, Buena Suerte, San Isidro, Maligaya, Carabatan Chica at Gappal.

Habang 19 na naman ang drug-free na kinabibilangan ng Rizal, Cabugao, Linglingay, Baringin Norte, Union, Villa Flor, Carabbatan Bacareño, Disimuray, Andarayan, Marabulig 2, Nagcampengan at Sinippil.

Ayon pa kay PLt. Topinio, sa natitirang 26 affected na barangay ay mayroon ng 8 ang nagsumite ng mga dokumentong pinapagawa ng PDEA na kasalukuyang bineberipika upang maideklarang drug cleared barangay.

Nilinaw pa ng opisyal, idinedeklarang drug cleared ang isang barangay kung wala ng drug surrendee, user at poseur na naninirahan rito.

Madalas aniyang dahilan ng pagkaantala ng deklarasyon sa isang barangay kung may biglang sumuko na drug personality habang nasa proseso ng drug clearing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *