Umalis na bilang miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang dalawampung pamilya sa Sta. Praxedes, Cagayan.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development Region 2, ang nasabing mga pamilya ay nakamit na ang self-sufficient level of well-being.
Natanggap ng mga ito ang kanilang Certificate of Recognition kahapon bilang pagkilala sa pag-alis nila sa programa.
Inihayag naman ng alkalde ng nasabing bayan na ang pag-alis ng mga nasabing bilang ng pamilya ay nangangahulugang ginit ng tama ang tulong at benepisyo mula sa pamahalaan sa pamamagitan ng 4Ps.
Bukod dito, una nang nagbigay din ang Local na Pamahalaan ng Sta. Praxedes ng tulong pabahay, livelihood assistance, educational assistance at iba pa.