200-300 toneladang basura, inaasahan sa fluvial procession sa Naga City

NAGA CITY – Nasa 200-300 tonelada ng basura ang inaasahang mahahakot ng Naga City Solid Waste Management Office sa paparating na Fluvial Procession sa Sabado, Sept. 16, 2023.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga kay Engr. Joel Martin, Department Head ng nasabing opisina, umabot sa 106.8 tonelada ng basura ang kanilang nahakot sa nakaraang Traslacion Procession at inaasahan nilang mas dadagsain ang lungsod sa Fluvial Procession kung kaya’t magdagdag rin sila ng mga trash bins at mga garbage trucks.

Batay rin sa kanilang assessment, dominante pa rin ang mga plastic waste kaya patuloy pa rin nilang isinusulong ang single use of plastic at kung maaari ay bawasan ang paggamit ng mga ito.

Dagdag pa ng opisyal, napakalaking tulong rin ng mga volunteer students galing sa iba’t-ibang paaralan upang mapanatili ang kalinisan ng lungsod bago at matapos ang mga kaganapan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *