$200,000 bills ipinaulan lang sa highway ng isang lalake sa U.S

KAKAIBA  ang paraan ng pagtulong ng isang lalake sa U.S  na si Colin Davis McCarthy dahil mula sa savings ng kanyang pamilya,  libu-libong piraso  ng $100 bills ang kanyang inihagis at ipina-ulan  sa gitna ng  highway,  kung saan umabot pa nga ito sa halagang $200,000 bills.

Ayon kay Colin, gusto lamang umano niya magbahagi sa ibang tao ng blessing, ang kaso, ang mga nasabing pera ay mula pala sa kanilang joint family account, kaya hindi makapaniwala ang mga kaanak nito, sa pagkalimas ng laman ng kanilang bank account.

Base kase sa report, si Colin ay natagpuan ng mga police na nagmamaneho sa isang highway sa Eugene, Oregon ng bigla nga ito nagpalipad ng mga pera mula sa bintana ng kanyang sasakyan.

Nagdulot ito ng matinding traffic sa naturang kalsada kaya agad itong sinita ng kapulisan at pinakiusapan ito na itigil na ang pagpapalipad ng pera dahil magiging dahilan lamang umano ito ng aksidente.

Sa ngayon, nanawagan ang pamilya ni Colin sa mga taong nakapulot ng kanilang pera na  sana ay maibalik ito sakanila dahil bukod sa naubos ang kanilang savings hindi rin  umano sila pabor sa ginawa ni Colin.

Sa ngayon, ang mga awtordad sa nasabing lugar ay kasalukuyang pinag-aaralan ang kaso ni Colin kung ito ba ay pagbabayarin nila sa salang disorderly conduct dahil nitong gulo sa highway.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *