2024 DOTr budget, mas mataas ng 130%

Sumalang sa pagdinig ng House Appropriations Committee ang mga opisyal ng Department of Transportation upang ipresinta ang proposed budget sa susunod na taon na nagkakahalaga ng 214.3 billion pesos.

170 billion pesos mula sa hinihiling na pondo ay gagamitin ng DOTr upang ipang-tustos sa big-ticket transportation projects.

Sa kanyang opening remarks, sinabi ni Appropriations Senior Vice Chairperson at Marikina Representative Stella Quimbo na mahalagang tugunan ang mga suliranin sa trapiko lalo’t lumabas sa 2022 Urban Mobility Readiness Index na pang-limampu’t walo lamang ang Maynila mula sa animnapung lungsod sa bansa.

Umaabot aniya sa 3.5 billion pesos ang economic losses kada araw dahil sa problema sa mabigat na trapiko kaya naman panahon na para isulong ang investment sa efficient transport system.

Ipinunto rin ni Quimbo na malawak ang sakop ng DOTr at hindi lamang limitado sa infrastructure development sa land, railway, maritime at aviation sectors.

Giit nito, kasama ang DOTr sa nagbibigay ng impluwensiya sa investment landscape lalo’t nakasalalay sa maayos na transportasyon ang paggalaw ng produkto, serbisyo at paggawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *