21.6% mga bata na nasa 0-23 buwang gulang ang stunted – DOH

Iniulat ng Department of Health (DOH) na nasa 21.6% na mga bata na may edad zero hanggang 23 buwang gulang sa buong bansa ay stunted.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na ang 21.6% ay nagkakaroon ng plateauing dahil sa nakalipas na mga dekada, sa naturang bilang lang naglalaro ang figures ng stunted children sa bansa.

Mula naman sa zero hanggang 23 buwang gulang, nasa 12.3% na mga bata ang underweight.

Sinabi naman ni Vergeire na isa sa 10 school aged children nationwide ay overweight, habang isa sa 10 adolescents ay overweight.

Samantala, apat mula sa 10 non-pregnant o non-lactating women ang overweight; tatlo sa 10 lactating mothers ay overweight; at apat sa 10 adults ay overweight o obese.

Dagdag ng DOH official, na maliban sa pagiging health issue, marami ang social determinants o social economic factors na nakakaapekto sa facilities at nagbibigay ng pagtaas sa naturang issues.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *