21 anyos na babae, sugatan sa walang-habas na pamamaril sa Balabac, Palawan

Nahaharap sa kaso ang suspek sa pamamaril sa kasagsagan ng intramural meet sa So. Dumaga Brgy Salang, Balabac, Palawan noong nakalipas na Sabado, ika- 18 ng Pebrero 2023.

Kinilala ang nabaril na si Arnalen Onos Astami, 21 anyos na residente sa barangay habang ang suspek ay si Ersan Ami, 35 anyos.

Ayon sa ulat ng Palawan Provincial Police Office,  inihayag ng witness sa pulisya na habang nanonood ng intramural meet ang biktima sa paaralan ay bigla na lang pumasok ang suspek at doon nagpaputok ng ilang beses gamit ang hindi matukoy na kalibre ng baril.

Tinamaan ang biktima kaya kinailangan itong dalhin sa pagamutan habang ang suspek ay agad na tumakas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *