21 rebel returnees, pormal na iprinisenta ng PA-Bicol

Pormal na iprinisenta ng 903rd Brigade, Phil Army ang 21 rebel returnees na sumurender sa pamahalaan.

Ang mga ito ay nagmula sa lungsod ng Sorsogon at ang iba ay mula sa mga bayan ng Bulusan, Gubat, Casiguran, Juban at Irosin.

Kinabibilangan ito ng tatlong regular members, 7 Militia ng Bayan (MB) at 11 mula sa sectoral organizations.

Sa isang simpleng seremonya na isinagawa sa headquarters ng 903 Brigade sa Castilla, Sorsogon binigyan ang mga rebel returnees ng pangunahing tulong na kash at bigas.

Masaya namang tinanggap ng pamunuan ng Phil Army-Sorsogon sa pamumuno ng commander ng 903Bde na si BGen Aldwine Almase ang mga rebel returnees.

Sa isinagawang mini press conference kasabay ang Sorsogon at Albay media, sinabi nito na ang pagbabalik-loob sa pamahalaan ng 21 rebelde ay dahil sa matagumpay na resulta ng pagsisikap ng 93rd CMO Company na nakabase sa Sitio Mahingan, Brgy Balogo, Sorsogon City.

Alinsunod dito, sumuko ang mga personalidad sa white area dahil sa pressure sa patuloy na pagsasagawa ng Communtiy Support Program (CSP) white area operation ng tropa ng gobyerno sa lalawigan sa pamamagitan ng serye ng information awareness drive, barangay assembly at social awareness program tungkol sa EO70 o ang NTF-ELCAC.

Ang CSP ay isang flagship program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ginamit upang linisin ang mga komunidad sa NPA infestation habang neutralisahin ang pulitika-militar na istruktura ng mga rebeldeng itinatag sa mga nayon.

Dagdag pa ni Almase, sa mga tagumpay na ito, ang PA-Bicol ay lubos na positibo na ang CTG ay babagsak sa lalawigang ito sa lalong madaling panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *