213,000 families apektado ng bagyong Paeng sa Soccsksargen, BARMM

KORONADAL CITY- UMABOT na sa 213, 970 na mga pamilya ang apektado ng bagyong Paeng sa Soccsksargen region at Bangasamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 12, nasa 42,500 families ang apektado sa rehiyon 12 habang 171,470 naman sa BARMM.

Kabilang sa mga affected areas ang Sultan Kudarat, Cotabato province, Cotabato City, General Santos City, Sarangani at ilang lugar sa Bangsamoro Region.

Sa kasalukuyan, 8, 850 na mga pamilya o 42,730 na mga indibidwal ang nananatili sa mga evacuation centers matapos na sinira ng bagyo at ng tubig baha ang kanilng mga kabahayan.

Napag-alaman na 478 na mga bahay na ang naitalang totally damaged habang 172 naman ang partially damaged.

Samantala, nagpapatuloy ang pamamahagi ng DSWD 12 sa pamumuno ni Regional Director Loreto Cabaya Jr ng mga relief packs at iba pang ayuda sa mga apektadong pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *