22 anyos na graduating student at running for cumlaude, patay ng matagpuan sa Bacacay, Albay

LEGAZPI-Hustisya ang sigaw ngayon ng pamilya ng 22 anyos na dalaga na natagpuang patay sa isang madamong lugar ng barangfay Hindi, Bacacay sa Albay alas 12 y media ng umaga na.

Ayon sa report ng Bacacay Municipal Police Station, kinilala na si Rhea Bejerano Boneo na residente ng nasabing lugar.

Sa inisyal na pinalabas na report ng PNP, isang concerened citizen ang nakakita sa nasabing bangkay na umanoy mayroong laslas sa leeg at punit-punit ang suot nitong damit.

Kwento ng pamilya ng biktima, lumabas lamang ito ng bahay para mag cash out ng pera sa GCash na padala ng kapatid na nagtatrabaho sa Sorsogon subalit hindi na nakabalik ang biktima.

Hanggang sa ito ay natagpuan ang duguan nitong katawan na may mga saksak at ginilit ang leeg..

lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na lumabas lamang ang biktima upang magpa cash out ng ipinadala ng kapatid nitong nagta-trabaho sa Sorsogon.

Ang biktima ay graduating student na sana at running for cumlaude sa isang pribadong unibersidad sa lungsod ng Legazpi sa kursong BS Accountancy.

Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng Bacacay Municipal Police at mayroon na silang hawak na persons of interest.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *