22-Anyos na graduating student na pinatay sa Bacacay, Albay inihatid na sa kanyang huling hantungan

BNFM LEGAZPI KASABAY ng lakas ng buhos ng ulan kahapo, buhos din ang iyakan at dalamhating nararamdaman ng publiko matapos maiihatid na sa huling hantungan ang 22 anyos na graduating student na si Rhea Boneo, na biktima ng pagpatay at panggagahasa umano sa barangay Hindi bayan ng bacacay albay.

Mula sa bahay ng pamilya Boneo, makikita ang pakikiramay hindi lamang ng mga kapamilya kundi buong barangay at lahat ng mga itoy nakasuot ng putting tshirt at may nakalagay na Justice for rhea.

Isinagawa ang misa sa St.Rose of Lima Parish, Bacacay, Albay at dito na rin dinala sa heavens gate ang kanyang libing. Sa simbahan pa lang ay bumuhos na ang iyakan ng pamilya boneo, maging ang boyfriend, mga kapamilya, residente at kaklase ay nagsipag iyakan rin.

Marami ang umabang sa kalsada upang masilayan at pakikidalamhati sa paghahatid sa libingan kahit na bumuhos pa ang malakas na ulan kung saan kanya kanyang diskarte para di mabasa sa ulan.

Dumating rin ang boyfriend ng biktima na si John Luis Bermas na galing pa sa vietnam upang maihatid ang kanyang kasintahan sa libingan at mayroong dalang regalo na pabango na kanyang paborito.

Kung matatandaan, wala nang buhay nang matagpuan sa masukal na bahagi ng kanilang barangay sa Hindi, Bacacay, Albay ang 22 anyos na biktima na si Rhea Bejerano Boneo, madaling araw noong June 5.

Nakadapa, nakaangat ang pang-itaas na damit, punit-punit ang suot na pang-ibaba at may sugat sa leeg ang biktima nang datnan ng mga pulis.

Umalis umano ng bahay ang biktima bandang alas-5 ng hapon para kunin sa bayan ang 500 pesos na padalang pera ng kapatid.

Sa ngayon, isang Ariel Marbella na kabaranggay lamang nito ang tinuturong suspek, na hawak na ngayon ng PNP.

Patuloy pa rin naman ang sinasagawang imbistigasyon ng PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *