22-anyos na lalaking lasing, arestado matapos mambugbog at manghampas ng tubo sa Atimonan, Quezon

Arestado ang isang lalaki matapos umano nitong pagsusuntukin at hampasin ng tubo sa ulo ang isa pang lalaki sa Purok Gitna, Barangay Tagbakin, Atimonan, Quezon nitong Miyerkules, Mayo 3.

Kinilala ang naarestong suspek na si Argilette Aguilar, 22-anyos, utility at residente ng naturang lugar.

Ayon sa report, nag-iinuman umano noon ang 39-anyos na biktima kasama ang kanyang kaibigan nang dumating ang suspek na noon ay nasa ilalim ng impluwensya ng alak.

Umupo ito sa tabi ng biktima at walang anu-ano’y bigla na lamang nitong makailang ulit na pinagsusuntok ito sa ulo.

Matapos awatin ng kasamahan ng biktima ang suspek, umuwi ito sa kanilang tahanan ngunit bumalik ito at hinampas ng bakal na tubo ang biktima sa ulo.

Napag-alaman, na galit ang motibo ng biktima sa naganap na pananakit.

Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek habang ang biktima naman ay patuloy na nagpapagaling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *