22 DOLE starter kit beneficiaries, sumailalim sa entrepreneurial development training ng DTI-ISABELA

Sumailalim sa Entrepreneurial Development Training ng DTI Isabela ang 22 na inbidwal na kabilang sa starter kits beneficiaries ng Department of Labor and Employment.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ang nasabing mga benepisaryo ay mula sa Centro 3 Angadanan Isabela.

Isinagawa ng DTI Isabela ang naturang pagsasanay sa pamamagitan ng Negosyo Center Angadanan katuwang ang DOLE sa pamamagitan ng kanilang LGU at PESO.

Layunin ng nasabing aktibidad na bigyan ng kaalaman ang mga benepisaryo sa pagsisimula ng kanilang sariling negosyo at upang ipaalam ang pagbebenta ng kanilang produkto sa tradisyonal man o modernong pamamaraan.

Tinalakay din ng JBC Angadanan ang iba’t ibang programa at aktibidad maging ang Livelihood Seeding Program – Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP-NSB) ng ahensiya.

Kasabay ng nasabing aktibidad ay nagkaroon din ng pagsasanay ang mga benepisaryo sa bread and pantry making na pinangunahan ng TESDA.

Samantala, mamimigay naman ng livelihood starter kit ang LGU Angadanan sa pamamagitan ng PESO na kinabibilangan ng mga baking equipment tools upang mapalago ang kanilang produksyon at matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *