226 health care workers sa Ziga Hospital aasahang makakatanggap ng Special Risk Allowance

LEGAZPI-Aminado ang isang pribadong hospital sa lungsod ng Tabaco na nagkaroon ng kalituhan sa guidelines dahilan ng pagkadelay ng Special Risk Allowance o SRA kontra Covid-19.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Cleo Mangente, Admin Officer ng Ziga Hospital, nakatanggap na umano ang ilan sa kanilang mga heath care workers na nakabase sa Covid-19 facility at huli na ng malaman na buong empleyado ng hospital ang dapat makatanggap nito.

Dahil diyan, agad na nagsumite ulit ang kanilang ospital ng ibang dokumentos at sa ngayon nga ay pinoproseso na.

Aniya, nagkaroon na ng Moa signing sapagitan ng Provincial Government of Albay at Department of Health at matapos na madownload at manotaryo ay agad nilang maiproseso ng matanggap na ng mga ito ang SRA.

Sa ngayon inaasahan na aabot sa 266 employees ang makakatanggap ng kanilang special risk allowance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *