$23-B investment pledges, nakuha ng Pilipinas sa mga foreign trips ni PBBM

Nakakuha ng nasa $23.6 billion investment pledges ang nakuha ng Pilipinas mula sa mga foreign trips ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos.

Ayon kay accomplishment report Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbisita ni Pangulong Marcos sa Indonesia, Singapore, United States, Cambodia, at Thailand ay nagdala ng bilyun-bilyong piso sa pamumuhunan habang ang administrasyon ay naghahanda sa agresibong pag-akit ng mas maraming dayuhang negosyo na pumunta sa Pilipinas.

Dagdag pa nito ang BOI at ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ay may combined approved investment na nagkakahalaga ng P402 billion, na maaaring makalikha ng 54,217 local jobs.

Sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act, ang mga inaprubahang proyekto ng BOI noong Agosto ngayong taon ay nasa P46.7 bilyon

Nakabuo din ang BOI ng 90 foreign investment leads na may tinatayang halaga na P204.9 bilyon na maaaring magbunga ng 98,393 lokal na trabaho.//LB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *