23 solo parents, nagtapos ng skills training ng pagluluto sa bayan ng Brookes Point

Matagumpay na nagtapos ang dalawampu’t tatlong solo parents sa isinagawang skills training sa pagluluto ng mga kakaninna  handog ng lokal na pamahalaan ng Brooke’s Point, Palawan.

Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office at Gender and Development ang nasabing aktibidad nitong Miyerkoles at buong sinuportahan ni Mayor Cesario Jun Benedito Jr.

Layunin ng programa sa ilalim ng MSWDO at GAD na matulungan ang mga solo parent na magkaroon ng kaalaman at karagdagang pagkakakitaan upang masuportahan ang kanilang anak o mga anak.

Samantala, umaasa naman ang lokal na pamahalaan na sa pamamagitan ng programa ay makakatulong sa kanila upang magkaroon ng maliit na pagkakakitaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *