23,000 na mga pamilya sa Koronadal, nakatanggap na ng ayuda

KORONADAL CITY – UMAABOT na sa 23,000 na mga pamilya sa lungsod ng Koronadal ang nabigyan ng family food packs na naapektuhan noong nagdaang El Nino./ Ito ang inihayag ni City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO Officer Cyrus Jose Urbano.

Sa isinagawang press conference, inihayag ni Urbano na nagpapatuloy at magpapatuloy pa ngayon ang distribusyon ng food packs na nailistang mga kwalipikadong benepisyaryo kung saan mayroon ng naka-schedule na follow-up distribution. Kaugnay nito, mahigit 1,000 naman na mga benepisyaryo na nakapasok sa “damage to crop” na nabigyan at nakatanggap ng financial assistance. Samantala, magpapatuloy din ang kanilang pagtutok sa kaso na ito kasabay ng inaasahang El Nino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *