24/7 na DSWD programs sa mga nangangailangang Pilipino, tiniyak ni Marcos

Nangako si Pangulong Bongbong Marcos na tuluy-tuloy ang mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa ‘best interest’ ng mga Pilipino lalo na sa ating mga kababayang hirap sa buhay.

Sa talumpati ni Marcos sa ‘Pangkabuhayan at Pamaskong Handog ng Pangulo at Unang Ginang sa Sambayanang Pilipino’ sa Rizal Park sa Maynila – tiniyak ng Pangulo na ang kanyang administrasyon ay gumagawa ng mga paraan para alagaan ang mga Pilipino.

Pinasalamatan din niya ang DSWD para sa 24/7 na pagta-trabaho para tumulong sa mga hirap nating kababayan nang sa gayon ay kahit tapos na ang Pasko at New Year ay tuluy-tuloy pa rin ang ayudang kanilang nakukuha.

Inanyayaan din ni Marcos ang mga Pilipino na magtulung-tulong para sa sabayang pag-angat mula sa iba’t ibang suliraning kinaharap ng Pilipinas.

Ang mga piling benipisyaryo sa naturang event ay kinabibilangan ng ilang indigenous people (IPs) at mga street dwellers.

Sila ay nakatanggap ng P10,00 na financial aid, hygiene kits, at food packs.

Nakatanggap din ang mga bata ng ilang mga laruan, libro, at mga damit.

Samantala, muli ring inimbitahan ng Pangulo ang publiko, kabilang na ang mga benipisyaryo ng naturang event na bumisita sa Malacañang para dumalo sa Misa de Gallo.

Sabi ni Marcos – bukas ang Palasyo dahil tahanan naman ito ng mga Pilipino.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *