24 na chainsaw na walang permit, kinumpiska sa isang hardware sa Roxas, Palawan

Kinumpiska ng Bantay Palawan, Criminal Investigation Group- CIDG Palawan at 300 Wings Airforce ang nasa dalawampu’t apat (24) na chainsaw sa isang hardware o Numero-Sais General Merchandising sa Bgy. 1 Roxas, Palawan.

Sa pamamagitan ng buybust operation ay inaresto ng operatiba ang checker ng tindahan na si Julie Gabuco Failon matapos magbenta umano ng isang unit ng chainsaw sa halagang P21, 000.

Matapos ang buybust ay kinumpiska na rin ng awtoridad ang iba pang chainsaw sa hardware na aabot ang halaga sa Ph426, 000.00 ngunit walang permit mula sa Palawan Council for Sustainable Development.

Hindi naman inabutan ng operatiba ang may-ari ng establisyemento na si Edwin Norberto Pediapco kanina.

Samantala, kinakaharap ngayon ng nahuli at may-ari ng hardware ang paglabag sa Chainsaw Act of 2002 habang dadalhin ang mga ebidensya sa compound ng CIDG- Palawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *