CAMARINES NORTE- Patuloy pa rin sa pagakyat ang bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte
Kahapon sa case bulletin report ng DOH BICOL, 24 ang panibagong kaso ng sakit na naitala sa lalawigan
Ito ay mula sa bayan ng Daet na nakapagtala ng 9 na panibagong kaso, 7 ang mula sa bayan ng Basud, 3 sa bayan ng Vinzons, may tig-2 kaso naman ang bayan ng Mercedes at Talisay habang ang bayan ng Paracale ay nakapagtala ng 1 panibagong kaso
Sa kabila nito, nakapagtala rin ang lalawigan ng Camarines Norte ng 18 pasyente na nakarekober sa sakit
Bunsod nito pumapalo na sa 638 ang kabuuang bilang ng mga naaapektuhan ng sakit sa lalawigan
Mula sa naturang bilang . 227 ang aktibong kaso sa ngayon , habang umakyat naman sa 381 ang kabuuang bilang ng nakarekober at nananatili naman sa 30 ang bilang ng mga nasawi sa sakit