24 patay matapos mag-collapse ang isang overpass sa Mexico

Patay ang nasa 24 tao kabilang ang ilang mga bata habang sugatan ang 79 na iba pa matapos mag-collapsed ang overpass na tumama sa subway train sa Mexico.

Ayon sa report, bumibiyahe ang tren sa elevated part ng pinakabagong line 12 o mas kilalang Golden line sa Mexico City nang bumigay ang overpass.

Kaugnay nito, sinabi ni Foreign Ministry Marcelo Ebrard na tutulong ang international engineering experts para matukoy ang dahilan ng pagbagsak nito.

Bagamat may ilang bangkay pa ang pinaniniwalaang na-trap sa tren, pansamantalang natigil ang rescue operations dahil sa pangamba sa stability sa subway car.

Kinumpirma naman ni Mexico City mayor Claudia Sheinbaum na isang survivor na na-trapped sa sasakyan sa ilalim ng guho ang na-rescue matapos ang ilang oras. (LEO NAVARRO-MALICDEM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *