24,000 food packs nakahanda na para sa mga maaapektuhan ng bagyong Kiko

Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na nakahanda na ang pamahalaan sa anumang tulong na kakailanganin ng mga residenteng maaapektuhan ng Super typhoon Kiko.

Ayon kay NDRRMC Director Ricardo Jalad, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga Local Government Unit sa Region 2 na siyang pinakamalapit na lugar na posibleng mahagip ng bagyong Kiko.

Sa pagtaya ng NDRRMC nasa 746,000 indibidwal ang maaapektuhan ng masamang panahon na idudulot ng naturang bagyo.

Sinabi ni Jalad na nagsimula na rin ang pre-emptive evacuation sa mga probinsiya ng Cagayan at Isabela lalo na sa mga lugar na posibleng tamaan ng pagbaha.

Aabot naman sa 24,000 family food packs na inihandan ng DSWD ang naka-pre-positioned upang agad na maipamahagi sa mga biktima ng kalamidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *