2,425 nakinabang sa Free TDC ng LTO 12

KORONADAL CITY – NASA 2,425 na mga student drivers sa Soccsksargen region ang nakinabang sa Free Theoretical Driving Course o TDC ng Land Transportation Office of LTO 12.
Ito ay batay sa datos ng LTO mula noong Enero hanggang Agosto nitong taon.
Inihayag ni LTO 12 Chief Administrative Officer Elmer Obelidhon na malaking tulong ang libreng TDC sa mga nag-aapply ng student permit at driver’s license lalo na sa mga walang kakayahang magbayad sa mga driving schools.
Ang pagsasagawa ng Free TDC ay isa sa mga hakbang ng LTO upang mapaigting ang road safety at road worthiness ng mga motor vehicles.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *