25 anyos na binata sa Palawan, binaril sa ulo– patay!

Patay matapos barilin sa ulo at tiyan ang isang Joper Rentasan Bungkol,  25 anyos sa Sitio. Tagmaya Brgy. Sapa,  Bataraza, Palawan noong Sabado ng hapon, ika- 18 ng Pebrero 2023.

Suspek rito si Akmal Mohammad Mani,  59  anyos ng So. Tagmaya Brgy. Sapa,  Bataraza.

Ayon sa Bataraza PNP, alas-dos y medya noong hapon na iyon ay nagmamaneho ng motorsiklo ang biktima at papunta sana sa bukid nang siya’y barilin ng calibre 45 ng suspek.

Agad na bumulagta at namatay ang biktima dahil sa tinamong mga tama habang ang suspek ay sumuko kay Mayor Abraham Ibba ng Bataraza bago ito inaresto ng pulisya.

Sa pagtatanong ng pulisya sa suspek, nagawa umano niya ang krimen dahil hindi raw niya nagustuhan ang “pagsama-sama” ng biktima sa kanyang 17 anyos na anak na babae kaya.

Dagdag pa ng suspek, kinompronta na niya ang biktima na tigilan ang hindi umano “magandang ginagawa“ sa kanyang anak pero hindi raw nito nagustuhan ang isinagot sa kanya.

Samantala, sinampahan ng murder case  si Akmal pero hindi narekober sa kanya ang baril na ginamit matapos umano niyang itapon sa ilog matapos barilin ang binata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *