Lalaki posibleng makulong nang hanggang limang taon dahil sa bomb joke sa MRT station

Arestado ang isang 25-anyos na lalaki mula sa Quezon City matapos makipagbiruan sa mga kaibigan tungkol sa bomba sa MRT Shaw Blvd. Station sa Mandaluyong kahapon.

Inireklamo ang lalaki ng MRT matapos umanong magbiro na may bomba ang kaniyang kasama kaya hindi sila makausad sa pila papasok ng istasyon ng tren.

Sa bisa ng Presidential Decree No. 1727 o Anti-Bomb Joke Law, bawal ang mga naturang biro sa mga pampublikong lugar gaya ng mga airport, pier, at istasyon ng bus at tren dahil maaari itong pagmulan ng kaguluhan.

Ang parusa sa nasabing biro ay pagkakakulong na aabot sa 5 taon at multa na hindi hihigit sa P40,000.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *