Local News

25 barangay sa bayan ng Irosin, benepisyaryo ng Local Government Support Fund – Support to Barangay Development Program 

Nakatakdang tumanggap ng tig-apat na milyong piso ang 25 mga barangay sa bayan Irosin.

Ang nasabing halaga ay nakalaan para sa 25 infrastructure projects at mula sa programang Local Government Support Fund – Support to Barangay Development Program ng National Government.

Ang nasabing mga proyekto ay kinabibilangan ng Rehabilitation/Improvement of Farm to Market Road sa mga Barangay ng  Buluwan at Buenavista,  Concreting of Farm to Market Road sa Barangay Macawayan, Construction of Level II Water System sa Batang, Expansion of Level II Portable Supply Water System sa Gumapia, Opening with Concreting of Farm to Market Road sa San Isidro at San Juan, Provision of Renewable Energy-Based Electrification sa Gabao, Mapaso, Bacolod at Cogon, Construction and Rehabilitation of School Building sa Gulang-Gulang, San Agustin at San Julian, Construction of Health Station sa Salvacion, Casini, Monbon, Bagsangan at Tinampo,  Rehabilitation of Level II Portable Water Supply System sa Tabon-Tabon, Upgrading of Water Supply System sa Bolos, Carriedo at Liang, Improvement of Level II Water System sa Patag at  Sto. Domingo.

Umaasa naman ang Task Force  End Local Communist Armed Conflict o (ELCAC) na makatulong ng mga munisipyo hanggang sa barangay sa mga pangangailangan sa edukasyon, imprastraktura, trabaho at iba pang sektor, para mas mapataas ang antas ng pamumuhay ng mga residente dito.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

Sandy Cays na bahagi ng Pag-asa island sa WPS, nasa ‘degraded state’ na

Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island…

13 hours ago

RTWPB – inumpisahan na ang pagre-review sa mga sahod

Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng…

14 hours ago

Championship games sa Palarong Bicol 2024 – nauwi sa rambulan

NAUWI sa rambulan ang Men's Division Championship-football games sa pagitan ng Masbate City Team at…

14 hours ago

Inaasahang rollback sa susunod na linggo – nadagdagan pa ng hanggang sa humigit-kumulang isang piso

Nadagdagan pa ang halaga ng inaasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod…

14 hours ago

PNP, muling dinepensahan ang pag-aresto sa ‘Mayo Uno 6’

Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-aresto sa 'Mayo Uno 6' sa gitna ng…

14 hours ago

Defense chiefs ng PH, Japan, US, at Australia – kinundena ang harassment ng China sa WPS

Naghayag ng pangkabahala ang mga Defense chiefs ng bansang Pilipinas, Japan, Estados Unidos at Australia…

14 hours ago