25 Health facilities sa Bicol 100% tapos na-DPWH Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ni Lucy Castañeda ang Regional Public Information Officer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol 100% tapos nang naipatayo ang 25 Units na Health Facilities sa nasabing rehiyon.

Ayon kay Castañeda, nitong nakaraang taon lamang na magsimula ang pagpapatayo ng health facility sa ibat ibang lalawigan kung saan sa kabuuhang pondo ng nasabing pasilidad ay aabot sa P7.8M.

Ang lalawigan ng Albay ay mayroon ng 6 anim na health care facilities, Cam Norte 9, Cam Sur 7 at Masbate tatlong facilities at mayroong kabuuhang 500 bed capacity ang facilities.

Aniya, ang Local Government Unit (LGU) ang nagrerequest para sa kanilang health facilities./Kinakailangan rin mayroon maibibigay o donated na lote na pagtatayuan ng pasilidad.

Isasailalim rin ito sa inspection at validation ng National Disaster Risaster Risk Reduction Management Council (RDRRMC) kung ito ay kwalipikado para pag-construct ng facilities.

Layunin ng Health Facilities ay para matulungan na mabawasan ang mga nagpupunuan na mga hospital na paglalagyan ng mga covid positive.

Maaari din naman gamitin ng mga medical frontliner ang facilities upang hindi na umuwi sa kanilang pamilya.

Tiniyak rin ng tanggapan na magiging comportable ang manunuluyan dahil sa mayroon naman itong sariling electricity at comfort room.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *