25 patay matapos bahain ang subway sa China

Kinumpirma ng mga otoridad na umabot sa 25 katao ang patay mula sa malakas na ulan na nagdulot ng pagbaha sa subway na matatagpuan sa central Chinese city ng Zhengzhou.

Sa ilang mga litrato na kumakalat sa social media ay makikita ang lungsod, na tirahan para sa 10-milyong tao sa Henan province, ang pagkakalubog ng mga pasahero sa tubig baha na hanggang dibdib ang taas habang sila’y nasa loob ng train carriage.

Agad naman nagsagawa ang mga sundalo ng rescue operations sa nasabing lugar.

Mababasa naman sa post ng Weibo ang sinabi ng ilang opisyal na nakaranas ang lungsod ng matinding rainstorms, na dahilan para maipon ang tubig baha sa Zhengzhou metro.

Naiulat naman ng local media na napilitan ang rescuers na sirain ang bubong ng ilang tren upang masagip ang mga pasahero.

Makikita rin sa videos ang pagsagip ng mga otoridad sa mga tao na naipit sa rumaragasang baha sa ilang kalsada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *