25 patay sa kilos protesta sa Columbia

Sumampa na sa 25 na tao ang patay sa 8-araw na protesta sa Colombia .

Nag-ugat ang nationwide unrest sa proposed na tax-collection overhaul at mas mahigpit na pandemic lockdowns na dahilan ng mass unemployment.

Ayon sa ilang protesters, milyon na ang nawalan ng trabaho na nagresulta sa kahirapan dahil sa pandemya.

Pero sa halip na matulungan umano sila ng kanilang gobyerno ay lalo pang nagpahirap sa kanila ang mga batas.

Kinumpirma ng mga otoridad na mapayapa naman ang mga protesta pero napasok ito ng mga looters at mga miyembro ng drug gangs at maging urban units ng mga rebeldeng grupo.

Napag-alaman na isang pulis na rin ang namatay sa pananaksak habang nasa 600 officers pa ang nasugatan.

Ang Colombia ay nakakaranas ng ikatlong coronavirus surge kung saan nasa halos 500 na death ang naitatala sa bawat araw sa nakalipas na linggo. (LEO-NAVARRO MALICDEM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *