25 preso ng Koronadal City District Jail isinailalim sa training ng TESDA

KORONADAL CITY — SUMAILALIM sa bread making skill’s training ng Technical Education Skills and Development Authority o TESDA-12 ang 25 mga Person Deprived of Liberty o PDLs ng Koronadal City District Jail.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Jail Inspector Ferdinand Suelan, jail warden ng KCDJ, layunin umano ng nasabing programa na magkaroon ng kaalaman ang mga PDL na maaari nilang magamit sa kanilang paglaya.

Dagdag pa ni Suelan, na maliban sa bread making may ibang skills program pa na ibinibigay ang TESDA kagaya na lamang ng shielded metal arc welding o SMAW.

Nagpasalamat naman ang nasabing PDLs sa nasabing programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.