25 suspected far-right extremist inaresto sa Germany

Dalawampu’t dalawang far-right extremist at tatlong pinaghihinalaang tagasuporta ng grupo ang inaresto sa Germany dahil sa planong pagpapabagsak ng gobyerno.

Ayon sa German prosecutors, kabilang sa mga umano’y miyembro ang isang descendant ng German royalty at isang dating far-right member ng Bundestag ang lower house of parliament ng bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng German federal prosecutor’s office na tinatayang 50 katao ang pinaghihinalaang bahagi ng grupong tinatawag na Reich Citizens movement na itinatag noong Nopvember 2021 kung saan nagbabalak umano ang mga ito na ibagsak ang gobyerno at palitan ng kanilang sariling order.

Sa pahayag, pinangalanan ng German prosecutors si Heinrich XIII Prince Reuss bilang isa sa mga umano’y pinuno ng grupo.

Inaresto si Heinrich sa Frankfurt noong Miyerkules at ayon sa mga inilabas na ulat inihatid siya  ng mga pulis palabas sa isang gusali patungo sa isang  van habang ang ibang mga opisyal ay nagbabantay sa labas ng lugar.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *