25 taong gulang na bahay sa Germany, itinuturing nang “House of Doom” dahil sa sunod-sunod na insidente ng mga namamatay

TILA maituturing na ngang isang “House of Doom” ang isang 25 taong gulang na bahay sa Berlin, Germany dahil sa sunod-sunod na insidente ng mga namamatay sa naturang bahay.

Ayon sa isang pahayag, sa loob ng 15 taon, 9 na mga tumira dito ang namatay at ang lahat ng ito ay pawang dulot ng mga masasalimuot na aksidente.  

Ilan sa mga karumal-dumal na insidenteng nangyari dito ay ang pagpatay ng isang lalaki na tuluyan nang tinakasan ng katinuan sa buo niyang pamilya, kasabay ng pagpatay niya rin sa kanyang sarili; habang ang pagpapakamatay naman ng dalawang magkasintahan na parehong may sakit na aids; at ang pagpapakamatay naman ng isang lalaki na tuluyan naring tinakasan ng bait.

Kaugnay nito, wala na muling nagtangkang pumasok pa o kahit bilhin man lang ang nasabing isinumpang bahay dahil sa takot at pangamba na iniwan nito sa publiko.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *