25-year franchise extension ng Brigada Mass Media corporation, pirmado na ng Pangulo

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magpapalawig sa validity ng franchise ng Baycomms Broadcasting Corporation ng karagdagang 25 taon.

Ang Baycomms Broadcasting Corporation ay ang licensee para sa majority ng mga istasyon na pag-aari ng Brigada Mass Media Corporation.

Isinagawa ang reenactment ng pagpirma sa 16 na batas sa MalacaƱang kung saan ay kabilang rito ang RA 11555 o An Act Renewing for Another 25 Years the Franchise Granted to Baycomms Broadcasting Corporation.

Nasaksihan ng co-sponsor ng batas na si Senator Christopher Bong Go ang ceremonial signing ng Pangulo.

Aamyendahan ng bagong batas ang Republic Act No. 8718 na may title na An Act Granting the Baycomms Broadcasting Corporation a Franchise to Construct, Install, Establish, Operate and Maintain Television and Radio Stations in the Philippines.

Noong 2013 ay na-aquire ng Brigada Mass Media Corporation ang Baycomms kabilang na ang ilang istasyon ng Bay Radio sa General Santos City kung saan ay matatagpuan ang main office nito na kalaunan ay tinawag bilang Brigada News FM.

Ang BMMC naman ay bahagi ng Brigada Group of Companies na pag-aari ng entrepreneur na si Elmer Catulpos na nagpapatakbo rin ng tatlong newspaper editions sa Mindanao, isang TV station, distribusyon ng herbal food supplements, mga medisina, cosmetics, engine care products, drug pharmacy, garden resort, at dalawang private security agencies.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *