261 initial na nakapag parehistro sa Local Job Fair kaugnay ng BNFM Naga 7th Anniversary

NAGA CITY – Dinaluhan ng inisyal na 261 na mga job seekers ang local job fair kahapon kaugnay ng ika-pitong anibersaryo ng Brigada News FM Naga City at Goa, Camarines Sur.

Nasa 1,400 naman  ang binuksang mga trabaho galing sa iba’t-ibang kompanya sa loob at labas ng lungsod ng Naga.

Isa sa mga nakiisang kompanya ang Sincere Staff Management Services. Sa pakikipanayam ng Brigada News FM Naga kay Arianne Valerie Benico, Human Resource Officer ng kompanya, sinabing malaking bagay ang ganitong job fair sa tulad nilang mga employer dahil mas napapadali nito ang kanilang paghahanap ng mga aplikante.

Isa naman sa mga aplikante si Mary Rose Ramos na dalawang buwan ng naghahanap ng trabaho. Mensahe ni Mary Rose sa mga kapwa aplikante, na huwag silang mawawalan ng pag-asa sa paghahanap ng trabaho.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *